Blackpink may bonggang b-day gift para kay Anne

Anne Curtis

NAPANGANGA si Anne Curtis nang ma-meet niya ang mga miyembro ng all-female group na Blackpink nitong nakaraang araw.

Sa Instagram post ng aktres sinabi nitong happiest early birthday gift ang natanggap niya.
Eh, nagkaroon pa ng chance si Anne na makapagpa-picture sa grupo kaya lalong nakumpleto ang kaarawan niya.

Caption ni Anne sa photo nila ng Blackpink, “Happiest early birthday gift. Happiest too! I wanted to say so much but ended up being soooo speechless the moment I shook your hands. Thank you @roses_are_rosie @jennierubyjane @sooyaaa__ @lalalalisa_m.

“You guys were amazing and made so many Filipinos extremely happy! Special thanks to YG Entertainment @blackpinkofficial and @mmilive for making this happen. P.S was so happy I decided to go for an all black outfit. Represent!”

Bukas ang birthday ni Anne at 34 years old na siya. Isa siya sa pumila sa nakaraang concert ng Blackpink sa Manila last Feb. 2.

Marami naman ang natuwa at bumati kay Anne sa kanyang birthday. Pero may mga netizens ding nainggit sa TV host-actress dahil sa litrato niya with Blackpink.

Read more...