Bakit napagkakamalang bading noon si Luis?

LUIS MANZANO

NATANONG si Luis Manzano kung nagseselos ba siya sa mga lalaking nagko-comment sa mga sexy photos ni Jessy Mendiola sa Instagram.

“Wala, nangungulit lang ako. Hindi ko nga alam bakit ‘yung ibang tao sineseryoso. Kahit nga nakikita mo na merong mga nanglalandi lang, or pag nakikita mo na medyo bastos na nang konti, ‘di ba sinasagot ko naman, eh. Sinasakyan ko. Para kumbaga, may alam sila na, ‘I see you,’” sagot ng TV host.

Nagkuwento rin si Luis sa latest vlog entry ni Jessy tungkol sa panunukso sa kanya noon na bading, “When I was watching my mom’s show, ‘yung Vilma dati, ang katambay ko palagi ‘yung mga dancers.

‘Pag dumadalaw ako kay mommy, hindi ako nagi-stay sa dressing room niya, ang kasama ko lagi dancers. Kakulitan ko lahat ‘yan, girl, boy, bakla, tomboy. Kasundo ko lahat diyan.

“So siguro, nu’ng nakita na comfortable ako around them, ‘di ba? Siguro partly madaldal ako. Nakakita ka na ba ng host na tahimik?” hirit pa ni Luis.

Read more...