Yeng, Victor ine-enjoy muna ang isa’t isa habang wala pang baby


HINDI binanggit kung saan sa Japan nagpunta ang mag-asawang Yeng Constantino at Victor Asuncion para sa selebrasyon ng kanilang ikaapat na wedding anniversary. Kasabay na rin ito ng celebration ng kaarawan ni Victor.

Aliw na aliw kami sa isang video na ipinost ng mister ni Yeng sa Instagram habang nakasakay sila sa snowboard.

Tawa kasi nang tawa si Victor habang kinukunan ng video ang pagbaba nila ni Yeng at punumpuno ng snow ang kanilang mga mukha.

Nilagyan ni Yeng ng caption ang nasabing video ng, “4 years na tayo. Para pa rin tayong mga batang naglalaro. Sana ganito tayo habambuhay. Happy Anniversary Love! #yengyananniversary #yengyantravels#Japan.”

Tuwang-tuwa rin ang reaksyon ni Yeng habang kinukunan siya ng asawa habang nag-i-ski, “Yes nakapag skiing ako! First time! #YengYanTravels #Japan#yengyananniversary.”

Apat na taong kasal na ang dalawa at panalangin nila na sana’y biyayaan na sila ni God ng anak pero naniniwala naman si Yeng na in perfect time ay ibibigay ito sa kanila.

Kaya habang wala pa silang baby ay panay muna ang travel nilang mag-asawa at i-enjoy ang company ng isa’t isa.

Read more...