SINAKLOLOHAN ni Macky Mathay ang girlfriend na si Sunshine Cruz kaugnay ng pambabastos sa isang niyang anak na babae ng isang chef sa Conrad Manila Hotel.
Nitong nakaraang mga araw, tinalakan ni Shine ang nasabing chef para ipagtanggol ang anak.
Tinawagan naman ni Macky ang manager ng Epiloue S Maison Epilogue PH ng Conrad Manila, si Liz Urbano para aksyunan ang ginawa ng chef sa anak ni Sunshine.
“I have talked to Ms. Liz Urbano, manager of Epilogue S Maison Epilogue PH and this VIRTUAL PREDATOR will be fired from his job and will be reported to the authorities so that he cannot victimize other showbiz personalities, private people and minors!!!
“WOMEN SHOULD BE RESPECTED AND NEVER DISRESPECTED!!! Ang BASTOS mo and to think you have photos of your mother and lola in your Instagram feed!!!” ang matapang na mensahe ni Macky sa nasabing chef sa kanyang Instagram.
As of this writing, terminated na ang services ng chef sa hotel at nagbigay na rin ito ng public apology sa ginawang panghaharas sa anak ni Sunshine. Ang unang rason nito ay na-hack daw ang kanyang account ngunit balitang umamin din ito nang imbestigahan ng management ng hotel.
Inabsuwelto naman niya ang Conrad Hotel at sinabing hindi siya regular na empleyado rito dahil galing siya sa isang manpower agency.
Nag-post din si Sunshine sa Instagram ng pasasalamat sa mabilis na aksyon ng mga kinauukulan, “Thank you for the swift action regarding this alarming matter Epilogue PH.
“May this serve as a reminder that women especially minors should be protected and respected.”
Pero ang latest dito, hinahanapan ng mga netizens ng reaksyon at pagmamalasakit si Cesar Montano kaugnay ng pambabatos ng chef sa anak nila ni Shine.