Mukhang malungkot ang Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros ngayong buwan ng mga puso.
Hindi man diretsong inamin ng TV host-comedian, pero parang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Kenneth Concepcion.
Kapansin-pansin kasi na wala nang ipino-post si Paolo sa kanyang Instagram account tungkol sa kanila ng dyowa. At nito ngang Valentine’s Day, sa halip na regalo o message mula kay Kenneth ang kanyang ipinost, ang gift ng kanyang kapatid na si Roxanne Ballesteros ang kanyang ibinandera as IG, kabilang na ang isang yellow rose.
Ito ang caption niya sa kanyang IG post, “I know, hindi naman na dapat pinopost to, pero I just want everyone to know, how lucky I am to have a family like ours, and a sister like you. Na di na kelangan pa ng mga salita or explanation, pero gets niyo na. I love you too.
“Kahit na matutulog ako ngayong barado ang ilong sa kakahagulgol. @chiquitita03 Happy valentines day sa lahat!”
Ibinahagi rin ni Pao ang sulat sa kanya ng kapatid, “You’re all ‘heart,’ and that’s why I believe that there are people you haven’t met yet who will love you, the way you want them to.
“But for now, may you enjoy your Netflix shows with these kutkutins. And if ever you wanna watch something with me, just give me a heads up. Labyu.”
Isang netizen naman ang bumati ng “happy Valentine’s Day” sa kanya na sinagot lang niya ng, “#HOPIA na po.” Ang basa ng kanyang followers dito ay talagang break na sila ni Kenneth. Dahil dito, marami ang nagpahayag ng kalungkutan para sa komedyante.
Mukha raw wala talagang swerte ngayon sa lovelife si Paolo. Pero payo ng ilang netizens, patuloy lang daw siyang magmahal hanggang sa matagpuan na niya ang kanyang ka-forever. Narito ang ilan sa mga mensahe sa kanya ng netizens.
Sey ni @evelacuzong, “Happy V-Day, Pao. Cheer up maraming nagmamahal sa iyo @pochoy_29.”
Chika ni @sixfirst, “Allow yourself to feel sad. Honor your heartbreak. Heal and then take back to the skies again. You were made to soar, Pao. Never let anyone tell you any different.”
“Happy Valentine’s day @pochoy!!! Darating din si Mr. Right sa tamang panahon..sa ngayon paganda ka pa ng paganda!!!” hirit naman ni @rmbasco8.