4 buntis kabilang sa nahawa ng HIV

APAT na buntis na nasa 20s ang nagpositibo sa HIV noong Disyembre.

Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, isa sa may-akda ng Philippine HIV-AIDS Policy Act, ang apat ay kabilang sa 877 bagong kaso ng HIV na naitala noong Disyembre.

“All the adolescents (52) found to have been infected with HIV got it through sexual intercourse and two of them were in the 10 to 14 years age range. The four pregnant with HIV are in the 22 to 25 age range,” ani Salo.

Sinabi ni Salo na nakababahala ang pag-amin ng 108 pasyente na nagsabi na tumanggap sila ng bayad kapalit ng pakikipagtalik. Ang mga ito ay edad 17-53.

Ang mas nakababahala umano ay ang mga edad 10-16 na nakipagtalik ng “‘no money involved’ so other factors like rape, sexual abuse, molestation or experimentation would have been present.”

“We really need more prevention, education, and other forms of effective intervention. The new law must be implemented fast.”

Makatutulong umano ng malaki ang bagong batas dahil maaari ng magpa-HIV test ang mga edad 15-18 kahit walang parental consent.

“Persons younger than 15 who are pregnant or engage in high-risk behavior making them open to infection can also choose to be tested but with the assistance of a licensed social worker or health worker,” saad ng solon.

Sa 71 namatay sa HIV-AIDS noong nakaraang taon, ay edad 15-24 taong gulang.

Read more...