Maguindanao niyanig ng magnitude 4.1 lindol

NIYANIG ng magnitude 4.1 lindol ang Maguindanao kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:37 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 50 kilometro sa kanluran ng Cotabato City. May lalim itong 21 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Cotabato City, Kalamansig at Lebak sa Sultan Kudarat.

Intensity I naman sa Zamboanga City.

Read more...