Jolo Revilla ibinandera ang relasyon sa gf na beauty queen ngayong V-Day

MISMONG Valentine’s Day (Feb. 14) ibinandera ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang relasyon nila ni Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.

Ilang araw ding usap-usapan sa social media kung sino nga ba ang bagong girlfriend ni Jolo matapos mapabalita na may ipinalit na nga ito kay Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jolo ang sweet photo nila ni Angelica na may caption na, “Angel, happy valentine’s day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life.

“You’ve been caring, loving and supportive to me.I love you and will always will. (heart emoji),” aniya pa.

Ikinagulat naman ni Angelica ang ginawang pag-amin ni Jolo sa kanilang relasyon sa mismong Araw ng mga Puso.

Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ng dalaga ang bouquet of roses na galing kay Jolo. Aniya, “I got a little confused when I saw you running towards the door, the only time I saw you run that fast was when you heard the binatog vendor pass by (peace, laughing with tears emojis).

“May pasabog ka pala (double hearts emoji). Thank you bebi. Happy valentine’s day. @jolo_revilla,” mensahe pa ng beauty queen.

Kasunod nito, nag-post uli ang dalaga sa IG kung saan ibinandera niya ang pagmamahal para kay Jolo. Dito rin ikinuwento ni Angelica ang hindi malilimutang hiking date nila ni Jolo sa Hollywood sign sa Los Angeles, California.

Narito ang kabuuang caption ng dalaga sa photo nila ni Jolo, “Paakyat tayo ng Hollywood sign pinili mong gumawa ng sarili mong trail pero dahil game ako di ako nagreklamo, nangangalahati na tayo sabi mo ‘Balik na tayo’ tumawa ako kasi naisip ko medyo naduwag ka na so sabi ko ‘Kaya natin yan!’

“Hindi ko naisip na wala pala tayong dalang tubig, around 100ml lang tapos mag share pa tayo (laughing with tears emoji). Wag na natin ulitin yun, okay?

“Pag dating natin sa taas naawa ako sayo kasi tagaktak na pawis mo [water drops emoji] kaya mas kinilig ako kasi nung sinabi kong pagod na ako binuhat mo ako.

“Ayan ang story behind this picture, ayaw ko na sana ikwento pero binaba nya din ako after mga 30 seconds kasi hindi nya na kinaya ang bigat ko.

“Ang ending nakarating din naman kami sa destination namin tapos naligaw kami pabalik. Haha. Happy Valentine’s day Pogi @jolo_revilla. Mahal kita.”

Read more...