Alaska Aces natakasan ang Blackwater Elite

NALUSUTAN ng Alaska Aces ang matinding ratsada ng Blackwater Elite sa huling yugto para maitakas ang 103-101 panalo sa kanilang 2019 PBA Philippine Cup elimination round game Miyerkules sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Pinamunuan nina Carl Bryan Cruz at Jeron Teng ang Aces sa ginawang tig-18 puntos.

Nagdagdag si Sonny Thoss ng 16 puntos, si Chris Exciminiano ay may 14 puntos at si Chris Banchero ay nag-ambag ng 11 puntos at 16 assist para sa Alaska na umangat sa 2-1 karta.

Pinangunahan ni Allein Maliksi ang Blackwater sa itinalang 25 puntos.

Si Roi Sumang ay kumana ng 18 puntos habang si Mike Digregorio ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Elite na nalaglag sa 1-6 record.

Read more...