Assessment sa 1.4M Grade 12 itinakda ngayon at bukas

AABOT sa 1.4 milyong Grade 12 student sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang sasalang sa Basic Education Exit Assessment Miyerkules at Huwebes.

Ang Assessment test ay pangangasiwaan ng Department of Education at naglalayong tulungan ang ahensya na matukoy kung naaabot ng mga estudyante ang itinakda nitong pamantayan.

Magagamit ng DepEd ang resulta ng pagsusulit upang mas mapaganda ang instructional method at makabuo ng mga kinakailangang polisiya.

Ang resulta ng exam ay lalabas sa Abril at makikita sa Certificate of Recognition na ibibigay ng mga Schools Division Offices.

Read more...