Dulce keri pa ring makipagsabayan sa mga batang biritera

MAY isang katangian ang Asia’s Diva na kapag nakapagitna na siya sa entablado ay napapanganga na lang ang audience. Walang nagte-text, walang nagkukuwentuhan, sa kanyang direksiyon lang nakatingin ang lahat.

Walang kakupas-kupas si Dulce. Ang nag-iisang boses na nagbibigay ng hustisya sa piyesang “Ako Ang Nagwagi,” ang pambatong female singer nu’ng dekada otsenta, pero 2019 na ay humahataw pa rin at nakikipagsabayan sa mga batambatang singers.

Minsan pa ay masasaksihan ng ating mga kababayan ang galing ni Dulce pero sa pagkakataong ito ay kasama na ang kanyang anak na stage actor na si David Ezra.

Sa concert na “Mother & Child” na gaganapin sa Sabado nang gabi sa Zirkoh-Tomas Morato ay makakasama ng mag-ina bilang special guests ang The OPM Hitmen na binubuo nina Renz Verano, Rannie Raymundo, Chad Borja at Richard Reynoso.

Unang pagkakataon ito na mapapanood sina Dulce at David Ezra sa isang full concert. Kilala na si David sa mundo ng entablado pero ngayon lang magpapakitang-gilas ang binatang singer na ka-duet ang kanyang mommy.

“Iba ang nilinyahan ni Dave, sa stage siya mas comfortable, suportado ko naman ang lahat ng mga projects na ginagawa niya. Proud na proud siyempre ako as a mother kapag napapanood ko na siyang nakapagitna sa entablado,” papuri ng Asia’s Diva sa kanyang anak.

Gustong pasalamatan ng Backstagepass Productions ang mga walang sawang sumusuporta sa kanilang mga palabas, maraming salamat din kay Direk Japs Gersin, lalo na sa mga sumusunod na sponsors.

Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan (Amana Waterpark), Zaldy at Thesa Aquino (St. Anne Power Academy Marilao, Inc. at Techonological College of St. Pio), Tita Dolly Salcedo (Baliwag Lechon Manok-Liempo), Mama Fely dela Cruz (People’s General Insurance Corp.), Tito Henry at Tita Lily Chua, Judge Eugene Paras at Attorney Nuel Gatcho (Nuel Café), Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan, Meat Ferminute, Mga Obra Ni Nanay Art Gallery, “Cristy Ferminute” at Radyo Singko 92.3 News FM.

Read more...