SA ngayon, pumapalo sa P30 hanggang P33 ang pinakamurang kilo ng bigas sa maraming palengke sa Metro Manila. Tumaas din ng piso hanggang P3 bawat kilo sa Visayas at Mindanao.
Dalawa raw ang dahilan: Una, ang umano’y paghihigpit sa overloading ng DPWH kayat hindi mapuno ang mga trak ng bigas papasok ng Metro Manila.
Ikalawa, sabi ni Usec. Dante de Lima ng Dept of Agriculture, “lean month” daw ngayon hanggang second week ng Agosto. Bukod dito, anim na araw lang daw ang supply ng imported commercial rice mula sa rice traders at cooperatives. Wala raw dapat ikabahala dahil naka-standby daw ang 22 days supply ng NFA sa Metro Manila at 71 days supply nationwide. “Triggering price” daw ang kailangan ng NFA para pumasok sa mercado.
Pero, ang tanong ko naman, kailan mangyayari iyon? Kapag P5 pesos o P8 at lampas na sa P35 na ang bawat kilo ng bigas? Kung tutuusin, masyadong mataas na ang presyo ngayon ng bigas sa higit P30. Dahil sa mga artificial shortages noon na ginawa ng mga rice cartel, ang dating P20- P28 noon ay nabura na. Kahit bumabaha na ang pagpasok ng murang imported na bigas na pinasok ng mga rice smugglers, hindi na bumaba ang presyo at pataas pa nang pataas ,kayat tubong lugaw ang mga walanghiyang rice cartel kasama ng kanilang mga protektor sa gobyerno.
Ito kayang pagtaas ng presyo ng bigas ay sinasadya para palakihin na naman ang importasyon ng bigas ng rice cartel? Hudyat kaya ito na magdadagdag ang NFA ng rice importation quota?
ng rice cartel at mga dummy nilang farmers organizations ? Meron bang tao o grupong kumkumpas dito?
Akala ko ba tuwid na ang daan sa isyu ng bigas? Nami-miss ko tuloy si Dating NFA Administrator Angelito Banayo. Natuwid kaya niya ang daan sa NFA kaya siya umalis? O siya ang bumaluktot? Bakit wala pa akong nakitang miyembro ng rice cartel o mga rice smugglers na na nakulong sa administrasyopn ni PNoy?
> > >
Ngayong nakaupo na ang mga bagong gobernador, mayor at congressman, lumilitaw na rin ang mga “commissioner” sa projects, supplies at mga kontrata. Pinag-uusapan na ng mga grupo-grupo kung anu- ano ang pagkakakitaan sa loob ng tatlong taon.
Sa mga lungsod sa Metro Manila, matabang isda ang kontrata sa basura. Hindi bat diyan nag-away sina dating Mayor Lim at dating Presidente atngayo’y Mayor Erap Estrada. Nakiusap daw si Erap noon kay Chiquito na pagbigyan ang lumapit sa kanyang kontratista sa basura pero tinanggihan ni Lim dahil iisa lamang ang may hawak ng basura sa anim na dsitrito. Ngayong nakaupo na si Erap, ganito rin ba ang gagawin niya?
Gumagastos ng mula 3 percent hanggang 15 percent ng taunang budget ang mga city hall para sa solid waste management o basura. Sa Quezon city, lumalampas nga ng isang bilyong piso isang taon ang budget sa koleksyon at pagtatapon ng basura.
Ganoon din sa Maynila at Makati, kung kaya naman, talagang malaki ang pera sa basura lalo na kay Mayor. Ilagay mo na lang sa 10 porsyento sa loob ng tatlong taon, aba’y malinis na P300 milyon ito na solong solo ni Mayor. Ito’y dahil 10 porsyento rin ang paghahatian ng Treasurer, Secretary to the Mayor, City Engineer at iba pang kasapakat.
Sobra-sobrang dahilan kung bakit mas lalo at mas nararapat nilang pagbutihin ang paglilinis ng basura dahil kumikita sila rito. Pero,kung magtatakaw si Mayor at palalakihin ang kanyang komisyon, tiyak na patay din ang serbisyo at mamamaho ang lungsod.
Basura pa lang ang pinag-uusapan natin, ang laki na ng kikitain ni Mayor. Paano pa iyong public works projects niya na 20 porsyento ang komisyon at sa mga supplies ng gamit sa City hall at gamot? Kung ako ang tatanungin, makikita mo rito ang tunay na mukha ng Mayor. Kapag matakaw si Mayor, walang mararamdamang epekto ang taumbayan.
Wag kayong mag-alala, sa mga susunod na kolum natin ibubulgar ko kung sinu-sinong mayor sa Metro manila at iba pang urban areas, ang merong mga hatchet man at commissioner. At siyempre kung ilang porsyento ang napupunta kay Sir o madam?
(Editor: Para sa komento, tanong i-text ang PIKON, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)
Pera sa basura pinupuntirya na
READ NEXT
God above all
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...