Mahusay na ‘kusinero’ si Marcial

ISA ako sa nagbunyi nang mapili bilang PBA Commissioner si Willie Marcial.

At bakit naman hindi?

Matagal ko na rin namang nakasama si Marcial at alam kong ang puso niya ay para sa kapakanan ng numero unong ligang pang-basketbol ng bansa.

Dahil siya ay nagmula sa ibaba, alam ni kume ang damdamin ng mga nasa ibaba. Ika nga, ‘‘he rose from the ranks’’ at dahil dito ay umaapaw siya sa karanasan kung pagpapatakbo ng PBA ang pag-uusapan.

Ito na ang ikalawang taon ni Marcial bilang PBA commissioner at hindi maikakailang ilang beses na ring nasubukan ang kanyang kakayahan upang tiyakin ang kasikatan at patatagin ang kredibilidad ng liga.

Wala sa bokabularyo ni Marcial ang salitang paboritismo sa mga koponan. Ang napansin ko kay Marcial ay palaging nangingibabaw sa kanya ang diplomasya, kung kaya’t ang kanyang panunungkulan bilang kume ay walang mga intriga at kontrobersya.

Tinutulungan din si Marcial ng mahusay niyang hepe ng basketball operations ng PBA D-League na si Eric Castro. Tahimik lang ang 42-taon gulang na si Castro ngunit bakas sa kanya ang kaalaman kung basketbol ang pag-uusapan.

Nakatutok si Castro sa D-League, ang pangunahing tuntungan ng mga manlalarong nais makarating sa propesyonal liga ang mga nangangarap. Magbubukas ang PBA D-League bukas, Araw ng Mga Puso, sa Ynares Center sa Pasig City.

Bagamat araw ng pagmamahalan, asahang hitik sa aksyon ang simula ng D-League na kung saan ay nabubuo o nawawasak ang mga pangarap ng mga basketbolista na marating ang PBA.

Noong Huwebes ay bisita ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports si Castro kasama ang mga coach ng mga kalahok na koponan tulad nina Yong Garcia (Marinerong Pilipino), Lou Gatumbato (Letran-Petron), Jimmy Manansala (St. Clare College-Virtual Reality), Mike Saguiguit( University of Perpetual Help-Rizal), Benjie Diswe (AMA Online Education) at Kristoffer Co (UST-Ironcon).

Hindi na kaila sa lahat na iba’t-ibang ‘‘putahe’’ ang kailangang timplahin sa liga at dahil dito ay kailangang ng mahusay kusinero upang tiyakin na palaging ‘‘masarap’’ ang ihahain sa publiko. Hindi panis na ulam.

Syut na syut si Marcial bilang kusinero ng PBA. Saludo ang Peks Man kay kume na madaling kausap at madali ring mahanap lalo na ng mga taga-media.

Hindi siya OPM (O Promise Me) tulad ng isang kakilala ng mga ka-TOPS.

2019 MILO Summer Sports Clinics

Sakto ang sigaw ng MILO na ipakilala sa mga bata ang sports ngayong tag-araw. Ang summer clinic ang patunay na matatag ang hangarin ng MILO na tumulong sa nutrisyon at paunlarin ang kakayahan ng mga bata sa larangan ng sports.

‘‘Get Your Child into Sports’’ ang kampanya ng MILO. Dito ay hindi lamang magiging aktibo ang mga bata marami ring mahahalagang ‘‘life lessons’’ na mapapatunayan ang mga bata sa labas ng silid aralan.

“Getting children involved in sports would be a more enjoyable and productive way to healthy living,” sabi ni Willy De Ocampo, business unit manager ng MILO Philippines. “We believe that physical and social development lay the foundation for a child’s growth, which is why our MILO Summer Sports Clinics teaches children the fundamentals of various sports in a unique and scientific way and helps them develop character-forming values.’’

Dagdag pa niya: “MILO contains champion energy nutrients such as milk, protomalt, B-vitamins, and iron to help children get active especially in sports. So, not only will the kids get the athletic and social benefits at the Summer Sports Clinics, they will also be provided with the nutritious energy of MILO.”

Community Basketball Association

Nagpatuloy nitong weekend ang mga laro sa 2019 Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup sa San Juan gym kung saan tinalo ng San Juan at Quezon City ang kani-kanilang mga katunggali.

Pinabagsak ng San Juan ang Novo Ecijano, 92-80, para sa ikalawang dikit na panalo habang naungusan ng Quezon City ang San Mateo, 92-84, sa overtime.

Nagpakitang gilas sina Noah Lugo, Joshua Saret, Lester Reyes, Christian Bunag, Jonard Clarito at Joseph Ubalde para sa San Juan nina team owners Joey Valencia at Jay Cancio at mga coaches na sina Randy Alcantara at Yong Garcia.

Umiskor si Lugo ng 19 puntos, kabilang ang 3-of-5 shooting mula 3-point area sa 24 minutong paglalaro para sa Knights Exile, na unang nagwagi kontra Malabon, 103-74, noong Pebrero 3.

Tunay na Kapuso

Hindi ko na mabilang ang mga taon, ngunit tunay na Kapuso ang GMA Corporate Affairs and Communications. Hindi sila nakakalimot at nakatatak na sa kanilang piling lista ang aking kaarawan.

Maraming salamuch Chesca, Yani, Pau, Jojo, Angel, Irene, Coleen, Marian at Kyla. Tenk yu, tenk yu, ang babait ninyo!

Read more...