Patricia Javier naghahanda na sa 2019 Mrs. Universe


PINAGHAHANDAAN ni Patricia Javier ang pagsabak niya sa Mrs. Universe 2019 ngayong August na gaganapin sa South Africa.

Ayon kay Patricia nang makausap ng press sa launching ng book ng asawang si Dr. Rob Walcher, ang “Doc Rob’s Guide to Better Health & Welness”, 94 candidates ang lahat ng kalahok sa pageant.

Samantala, aminado si Doc Rob na inspirasyon niya ang asawa sa pagsusulat ng kanyang libro. Pero pagdating sa pagiging fit and healthy, ang foreign husband ang guide niya lalo na’t lalaban na siya sa pageant.

Sa dedication ni Doc Rob sa sa unang bahagi ng book, may sarili siyang dedication sa asawa.

“Thank you believing in me so much. Tank you for being such a wonderful person and teaching me more than much more than you’ll ever know.

“Thank you for being a wonderful wife and a mother to our children. You are the glue that holds our family together.”

Read more...