Maine, Alden may pa-Valentine surprise sa ALDub Nation bukas sa Eat Bulaga?


BABALIK na si Maine Mendoza ngayong araw sa Eat Bulaga ayon sa Instagram post ng manager niyang si Rams David.

Aba, just in time lang sa Valentine’s Day episode ng noontime show, huh!

Ilang araw ring nanatili sa New York City si Meng para sa bagong collaboration niya with the global cosmetics brand na MAC.

Sa posts sa Instagram ng brand, inilabas nitong nakagawa na ang Phenomenal Star ng eyeshadow para sa kanya at sa masuwerteng mapipiling netizen.

Sa isa pang IG post, may picture si Meng na tina-try ang iba’t ibang lipstick shade para matumbok ang perfect na kulay para sa kanyang lips. Wala pa nga lang silang big reveal kung anong produkto ang ilalabas ng kanilang MacMaker.

Habang nasa NYC, sumisingit naman ang mga balitang sinundan siya roon ng kanyang manliligaw na si Arjo Atayde. May tsismis pa nga na sinagot na ni Maine ang aktor nang mag-date sila sa isang restaurant.

Pero ayaw patinag ng AlDub Nation dahil para sa kanila, “ADN Conquers All.” Ito ang hashtag na ginamit nila kahapon sa Twitter.

Isa sa nagpayo sa kanila ay ang netizen na si @AlDubForTheBigBoyz, “Dear ADN…Just remember, the greater our storm, the brighter our rainbow. Kaya natin yan, tayo pa ba? Basta sama-sama por da lab of Alden Richards & Main Mendoza.”

Sa pagbabalik ni Meng sa EB, may chance pa rin na magsama sila ni Alden sa Valentine episode ng noontime show, huh!

Malay n’yo may bonggang pa-surprise ang AlDub loveteam para sa kanilang loyal supporters.

Sa kabila ng mga balitang nagkakamabutihan na sina Maine at Arjo, matindi pa rin ang kapit ng mga loyal AlDub fans sa kanilang paniniwala na hangga’t may buhay may pag-asa.

Sa ngayon, iisa lang ang kanilang wish, ang magkasama uli ang dalawa sa isang project.

Read more...