Kontrobersyal na female star niligwak sa reunion ng mga dating katrabaho

By Cristy Fermin February 13,2019
share this

Kontrobersyal na female star niligwak sa reunion ng mga dating katrabaho

By Cristy Fermin February 13,2019
share this


MARAMING mas naniniwala na iniligwak ng isang tropa ng mga babaeng personalidad ang isa nilang kasamahan nang magkita-kita sila kamakailan.

Hindi raw puwede ang female personality, ‘yun ang sabi ng grupo, pero ibang-iba naman ang paniniwala ng mas nakararami.

Ilang impormante ang nagpapatunay na kusa naman kasing ihiniwalay ng female personality ang sarili niya sa grupo. Palaging nagkukumustahan ang magkakatropa pero hindi siya kasali sa komunikasyon.

Kuwento ng aming source, “Siya naman kasi mismo ang naglalagay ng wall sa pagitan niya at ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho dati, e.

“Para bang ang feeling ng babaeng ‘yun, e, ibang-iba na siya. Parang hindi na belong sa mundo niya ang mga dati niyang katrabaho. Siya mismo ang lumalayo.

“Paano naman siya makakasama ng tropa kung nagri-reach-out ang grupo, pero siya naman ang naglalayo ng sarili niya?” unang chika ng aming impormante.

Parang sa totoong buhay rin ng aktres, siya mismo ang naglayo sa sarili niya sa mismong pamilya niya, kaya paano siya makakasama sa reunion ng mga kadugo niya?

“Di ba, nagkikita-kita ang mga kapatid niya, pero wala siya? Una, hindi rin naman kasi siya pupunta, wala siyang planong pumunta, dahil itinuturing na niyang kalaban ang mismong family niya!

“Siya rin ang may kasalanan kung bakit. Inilayo niya ang sarili niya, feeling niya, e, ibang-iba na siya.

Bumuo siya ng sariling mundo niya, kaya hindi na siya sumali sa dating mundo niya!

“Gasgas na ang linya, pero at the end of the day, malungkot ang babaeng ‘yun. Hindi siya kayang paligayahin ng kahit anong material na meron siya ngayon.

“Hindi siya maligaya sa buhay na meron siya ngayon, pagmamahal pa rin ang hinahanap niya na hindi nga niya makita, kasi, naglagay siya ng wall sa pagitan niya at ng lahat ng taong nagmamahal sa kanya.

“Hay, naku! Nakakaawa siya, sa totoo lang, ‘yun ang reason kung bakit siya ganyan na galit siya sa mundo. Nakikisawsaw siya sa issue ng iba kahit wala naman siyang alam!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong kilalang-kilala n’yo kung sino ang female personality na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending