JaDine mas pinili ang tahimik na selebrasyon kesa lasingan sa bar


BINASAG nina James Reid at Nadine Lustre ang mga bashers na nagsasabing matagal na silang hiwalay dahil wala na silang ipino-post na litrato together sa social media.

Kahapon, nag-post ang magdyowa ng mga litrato at video sa Instagram na kuha sa isang private resort kung saan sila nag-celebrate ng kanilang third anniversary as a couple last Feb. 11.

Sa ilang comments ng mga JaDine fans sa kanilang IG post, nasa The Farm sa San Benito, Lipa, Batangas daw ang magkasintahan para masolo ang isa’t isa sa kanilang anibersaryo.

Maraming nature lovers ang nagpupunta sa The Farm para sa holistic healing at marami ang pumuri kina James at Nadine dahil mas pinili nila ang simple at tahimik na selebrasyon kesa magpakalasing sa bar.

Pinusuan ng libu-libong followers nina James at Nadine ang mga litrato nila habang naliligo sa pool na may flower petals, kumakain ng healthy dishes at pagpapahinga.

Sa isang photo naman na ipinost ni Nadine sa IG ito ang kanyang caption: “Ilyssm (I love you so, so much) @james (heart emojis).”

Sa litrato naman na ipinost ni James na kuha sa isang man-made falls ito naman ang kanyang simpleng caption: “HEALING (heart emoji).”

Read more...