Intsik nangmanyak sa theme park, huli

February 12,2019
share this

Intsik nangmanyak sa theme park, huli

February 12,2019
share this

ARESTADO ang isang Tsino na nangmolestiya umano ng tatlong babae sa isang amusement park sa Pasay City.

Sa police report na isinapubliko kahapon, kinilala ng Pasay police ang suspek na si Zang Yang, 19, na naaresto noong Pebrero 7.

Sinabi ng isa mga biktima na kasama niya ang mga kaibigan sa horror house ng Star City noong Huwebes nang hipuan sila ni Zang.

Agad na nagsumbong ang mga biktima sa security guard na agad namang hinuli si Zang.

Nagsampa na ang mga biktima ng kasong acts of lasciviousness laban kay Zang noong Biyernes.

“I think kailangan talaga siyang maparusahan kasi parang wala lang. Tapos nandito siya tapos wala siyang pakialam e hindi siya gumagalang sa kahit na sino,” sabi ng ina ng isa mga biktima sa panayam ng dzMM.

“Ang gusto pa i-settle. Ise-settle na parang yung mga Pilipino bayaran? Hindi ko matanggap ‘yun na parang ganun kaliit yung tingin nila sa ‘tin. Kailangan talaga panagutan nila ito,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ng Bureau of Immigration (BI), na maaaring sampaham ang Tsino para ma-deport at mablacklist.
“Pwede silang mag-file ng charge against sa Chinese para ma-deport at ma-blacklissa Pilipinas,” sabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval.

“Hindi natin tino-tolerate itong mga action ng foreigners dito sa ating bansa. Ang visa ay hindi free pass para gawin n’ya lahat ng kalokohan n’ya dito,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending