National Day of Homophobia inaprubahan ng Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magdeklara National Day against Homophobia, Biphobia and Transphobia.

Sa ilalim ng House bill 9094 gagawin ang selebrasyon tuwing Mayo 17 bilang bahagi ng kampanya laban sa diskriminasyon at pang-aapi sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender.

Ang panukala ay akda ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Manila Rep. Tul Servo.

Lahat ng ahensya ng gobyerno, pribadong institusyon, at eskuwelahan ay inaasahan na makikiisa sa pagpapalaganap ng pantay na pagtrato sa mga LGBT.

“Much still needs to be done for LGBTs in the country to achieve full legal and social equality for them. People who do not conform to socially prescribed sexual and gender codes continue to be targets of stigma, discrimination, and violence,” ani Zarate.

Ayon sa Hate Crime Watch mayroon itong naitalang 54 kaso pagpatay sa mga LGBT mula 1996.

“But it is the undocumented cases outside media coverage which are estimated to be much greater,” ani Zarate. “It hopes to provide more opportunities to discuss and search for solutions to the problems confronted by our fellow human beings.”

Read more...