Armida Siguion Reyna pumanaw na sa edad na 88

PUMANAW na ang veteran actress-singer na si Armida Siguion-Reyna ngayong araw dahil sa cancer. Siya ay 88 years old.

Ayon sa kapatid niyang si Irma Potenciano, na-admit sa Makati Medical Center ang beteranang aktres at producer (Reyna Films) kung saan siya binawian ng buhay.

Si Armida ay nakilala sa programang Aawitan Kita, ang longest-running musical show sa telebisyon kung saan naipo-promote ang mga Original Filipino music pati na rin ang kundiman.

Bukod sa pagiging aktres at singer, nag-produce rin siya noon ng mga pelikula sa ilalim ng Reyna Films kabilang na ang mga award winning films na “Hihintayin Kita Sa Langit,” “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin” at “Ang Lalaki sa Buhay ni Selya.”

Noong nakaraang taon, mismong ang kanyang apo na si Rafa Siguion-Reyna ang nagbalita na may Alzheimer’s disease ang kanyang lola.

“Health-wise ang lakas niya kahit meron siyang Alzheimer’s. Wala siyang diabetes, wala siyang heart problem, walang siyang digestion problem,” aniya sa kanyang Instagram post.

Naging chairperson din siya ng Movie and Television Review and Classification Board (June 1988 to January 2001) sa ilalim ng administration ni former President Joseph Estrada.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ng veteran star ay ang Atsay (1978), Paano Ba Ang Mangarap (1983), Partida (1985), Magdusa Ka (1986), Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995) at Filipinas (2003).

Read more...