Horoscope, February 12, 2019

By Madam Sophia February 12,2019
share this

Horoscope, February 12, 2019

By Madam Sophia February 12,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Magtiwala kang lagi sa sarili mong kakayahan, dahil ang pagtitiwala sa sarili ang magpapayaman sa iyo at magpapaunlad ng kabuhayan. Sa pag-ibig, mag-isip ng magagandang mga bagay na gusto mong mangyari sa iyo sa darating na Araw ng mga Puso at yon ang saktong magaganap. Mapalad ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, ngayon pa lang sabihin na sa kasuyo ang plano mo para sa kanya sa darating na Valentine’s day para mapaghandaan nyo iyong dalawa. Mapalad ang 6, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Lilac at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Ngayon na ang panahon upang iukol ang bawat araw ng iyong buhay upang paglaanan ang kinabuasakan at palaguin ng palaguin ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag ng maghintay pa ng Valentine’s day, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 4, 15, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla”. Purple at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon at pagkain. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang kinikita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Deva-Aum.” Blue at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag kang magpa-under sa iyong kasuyo. Palutangin ang sariling personalidad upang higit na mas magiging maligaya ang inyong relasyon at para na rin makatulong ka sa kanya sa pagpapalago ng iyong kabuhaya. Sa negosyong may kaugnayan sa likido at pagkain uunlad ang pamilya. Mapalad ang 4, 19, 25, 36, 45 at 49. Mahiwagang mong mantra, “Hare-Hare-Krisna.”. Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Simple lang ang sekreto ng pagyaman. Mag-tabi muna bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi dapat gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 1, 4, 10, 38, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa dami ng iyong iniisip gumugulo tuloy ang diskarte mo at wala kang natatapos. Gawin mo muna at unahin yong madadaling matapos at ihuli mo na lang yong mahihirap. Sa ganyang paraan, marami kang magagawa pa na makadadagdag sa kabang yaman ng pamilya. Mapalad ang 1, 5, 19, 23, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Maikli lang ang buhay, kaya ang dapat ay umpisahan mo na ngayong magpakaligaya. Paramihin ng paramihin ang pera. Sa pakikipag-relasyon ibigay ng bukal sa loob ang hinhingi ng kasuyo – ang iyong pagmamahal. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Pink at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Panatiliin ang kapayapaan ng kalooban! Iwasan ang pakikipag-away. Kapag wala ka ng kaaway at kainggitan, mas uunlad ka at mas madali ka nang yayaman. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at Purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isang magandang balita ang matatanggap na magdadala sa iyo sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, mananatiling naghihintay ang puso sa isang relasyong hindi naman darating. Laging mag suot ng kulay na pula upang maakit ang suwerte at ligaya. Mapalad ang 3, 9, 18, 21, 30, at 45. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Rajabana.”

Capricorn – (December 22 – January 19)—Matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap. Sa pag-ibig, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay, kahit maliit ang kinikita, pilitin mo pa ring makaipon. Mapalad ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Hum”. Black at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, wag ng maghanap kung saan-saan, hindi mo ba napapansin katabi mo lang siya? Sa pinansyal, umiwas sa mga taong walang silbi, mahahawa ka lang sa kanila ng katamaran. Sa mga taong mapapalad ka magdidikit, kapag nagkahiwalay kayo maiiwan sa iyo ang kanyang suwerte. Mapalad ang 7, 22, 27, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Savitra-Om.” Red at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag manatiling makaluma! Wag mahirati sa dati ng ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Sa pinansyal, ituloy mo lang ng ituloy ang dati ng mga pagkilos, malapit na malapit ka ng umunlad hanggang sa yumaman. Mapalad ang 1, 19, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Silver at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending