Pekeng pari arestado sa Tondo

February 11,2019
share this

 Pekeng pari arestado sa Tondo

February 11,2019
share this

ARESTADO ang isa umanong miyembro ng gang matapos magpanggap na pari at mangulekta ng pera para sa misa sa Tondo, Maynila.

Kilala ang suspek na si Marlon Fonterez, isa umanong miyembro ng Sputnik Gang, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Nakasuot si Fonterez ng abito at may dala-dalang bibliya at umano’y holy water habang nagmimisa sa mga bahay sa Tondo kapalit ng P1,000.

Nauna nang nakulong si Fonterez dahil sa kasong carnapping.

Narekober mula sa suspek ang P700 cash at isang identification card ng Apostolic Catholic Devine Holy Trinity na nagsasabing isa siyang missionary priest.

Nakakulong ngayon si Fonterez sa Manila Police District Station 1 at mahaharap sa kasong robbery, extortion at usurpation of authority.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending