Clique V, Belladonnas nag-audition sa StarStruck

CLIQUE V AT BELLADONAS

Sasabak na sa concert scene ang all-male group na Clique V at all-female singing and dancing group na Belladonnas.

Magaganap ito sa Skydome, SM North EDSA sa Feb. 23, titled “This Is Me!”

Ayon sa Belladonnas, sexier and bolder ang gagawin nilang live performance habang ang Clique V naman ay magpapainit ng audience sa gagawin nilang hot production numbers.

Ilan sa special guests sa “This Is Me” concert sina Kyline Alcantara, DJ Ana Ramsey at Hashtag member CK at Zeus Collins.

Sa grand presscon ng concert, tinanong namin si Quinn Carillo ng Belladonnas kung naipararating ba niya sa kanyang mother na si Len Carillo, na siyang manager ng dalawang grupo at presidente ng 3:16 Events Talent Management.

Sagot ni Quinn, “Hindi po. Inihihiwalay ko po ‘yung personal at professional na aspeto ng trabaho. Yes, sa trabaho sinasabi ko pero yung personal na issues hindi po!”

Sinang-ayunan naman ni Ma’am Len ang sinabi ng anak kaya naman nirerespeto niya ito.

Sa totoo lang, kahit nagtatrabaho, patuloy na nag-aaral ang ibang members ng grupo habang ‘yung ilan ay tapos na ang kolehiyo.

Ibinalita rin ng mga members ng Clique V at Belladonnas na nag-audition sila recently sa Kapuso talent search na Starstruck at waiting pa sila sa tawag kung nakapasok sila sa banga!

Kung may mga members ang makakalusot sa Starstruck magiging masaya raw ang kani-kanilang grupo pero siyempre, kahit paano’y may epekto ito sa kanilang samahan.

Saka na lang daw nila pag-uusapan kung magkakaroon man ng conflict ito sa kanilang trabaho bilang grupo.

Wala naman daw problemang hindi naaayos sa magandang usapan.

Read more...