Maine nanood sa New York Fashion Week para sa bagong pasabog ngayong 2019

MAINE MENDOZA

RUBBING elbows si Maine Mendoza sa mga foreign models na rumampa sa New York Fashion Week.

Isa ang panonood ng fashion week sa mga ginawa ni Meng habang nasa New York City na kailangan para sa bagong collaboration niya sa global brand na Mac Cosmetics.

Pinayagan ding ma-video ng manager niyang si Rams David ang presence ng Phenomenal Star sa backstage pati na ang mismong moment ng panonood ni Meng ng fashion show.

Wala pang final reveal kung ano ang bagong produktong ilalabas ni Maine after ng una niyang lippie shade.

Pero habang nasa NYC, lumikha siya ng dalawang piraso ng personalized warm-toned eyeshadow palette sa Mac Pro Store sa NYC.

Isa ay para kay Meng at ang isa ay ibibigay sa lucky winner basta sundin lang ang instructions na inilabas nila sa Instagram account.

Si Meng ang pipili ng winner at personal din niyang ibibigay sa mananalo ang eyeshadow with matching signature, huh!

Read more...