Kris walang awang sinabunutan si Thea

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

Kris walang awang sinabunutan si Thea

By Ervin Santiago February 12,2019
share this

THEA TOLENTINO AT KRIS BERNAL

Mas lalo pang nagiging kaabang-abang ang GMA Afternoon Prime series na Asawa Ko, Karibal Ko ngayong alam na ni Rachel (Kris Bernal) na buhay ang kanyang asawang si Nathan (ginampanan ni Jason Abalos sa unang bahagi ng serye).

Hindi titigil si Rachel hangga’t hindi niya nahahanap si Nathan para bawiin ang kanyang anak. Ngayong nakilala na niya ang saksi sa ginawang pamemeke ni Nathan sa pagkamataya nito, itataya niya ang lahat para lumabas ang katotohanan.

Samantala, nagkunwari naman si Venus (Thea Tolentino) kay Gavin (Rayver Cruz) na dati niyang kakilala si Nathan at meron silang hugot sa nakaraan.

Sa huling episode na napanood namin, walang awang sinabunutan ni Kris si Thea sa eksenang pinaaamin ni Rachel si Venus kung nasaan si Nathan.

Tutukan ang mas lalo pang tumitinding mga tagpo sa Asawa Ko, Karibal Ko pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending