AGAW-EKSENA si Baron Geisler sa ginanap na 3rd FDCP Film Ambassadors Night last Sunday sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City.
Maraming natuwa sa pagdating ni Baron sa nasabing event lalo na nang tanggapin na niya ang award para sa pelikula niyang “Alpha: The Right to Kill.”
Pinalakpakan pa siya pagkatapos ng kanyang speech. Ani Baron, “Maraming salamat kay Direk Brillante (Mendoza) sa pagkuha sa akin at sa pagbibigay sa akin ng mga chances.
“Gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sa lahat ng mga kalokohan na ginawa ko before.
“Ginagawa ko po ang lahat. I will not make promises but by God’s grace, in time. Time will only tell kung tatanggapin niyo pa ako.
“Pero nandito lang po ako, at gusto na talagang magbago. Maraming-maraming salamat. At maraming salamat sa opportunity na ito, at sa pag-invite sa akin.
“Kay Miss Liza Diño-Seguerra, maraming-maraming salamat,” pahayag ng award-winning actor.
Nagtuluy-tuloy na ang pagbabago ni Baron matapos sumailalim sa rehabilitation programa dahil sa pagiging lasenggo. Madalas din siyang kinukuhang speaker sa mga drug and mental health symposium, pati na sa mga seminar on depression and suicide.