Gong Yoo, Park Bo Gum payag kayang magsama sa pelikula?

By Bandera February 12,2019
share this

Gong Yoo, Park Bo Gum payag kayang magsama sa pelikula?

By Bandera February 12,2019
share this

BONG YOO AT PARK BO GUM

Inaabangan na ang pagsasama sa pelikula ng dalawang Korean superstar na sina Gong Yoo at Park Bo Gum matapos kumpirmahin ng agency ng huli na pinag-aaralan na kung tatanggapin nila ang “Seo Bok”, na ang tema ay tungkol sa mga clones.

Kinumpirma ng representative ni Bo Gum na pinag-aaralan pa kung tatanggapin ng aktor ang offer.

Inaalok kay Bo Gum ang role bilang Seo Bok.

Ang “Seo Bok” ay iikot sa kuwento ni Ki Heon (Gong Yoo), isang dating intelligence agent na laging malalagay sa panganib dahil sa kauna-unahang human clone na si Seo Bok kung saan maraming magtatangka na mapasakamay ito.

Ito ang comeback movie ni Gong Yoo after three years matapos ang kanyang blockbuster zombie movie na “Train To Busan.”

Huli namang napanood si Bo Gum sa Korean series na Encounter (Boyfriend) with Song Hye Kyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending