NAIS itama ng Bandera ang pagkakamali sa isang istorya nito na naipost sa website noong Pebrero 4.
Nagpapasalamat ang Bandera kay Sheila Mateo, kamag-anak ng pinaslang na si Boyet San Buenaventura, sa pagtawag sa atensyon sa Bandera ukol sa pagkakamali nito.
Si San Buenaventura ang may-ari ng tindahan na pinaslang umano ng bumibili na si Jessie Mark Batugon; at hindi gaya nang napaunang ulat hindi lang Bandera kundi sa iba pang mga news website.
Narito ang itinamang istorya:
PATAY ang isang 37-anyos na lalaki matapos barilin sa kanyang tindahan sa Gumaca, Quezon bago maghatinggabi noong Linggo, Pebrero 3, ayon sa pulisya.
Kinilala ni Senior Supt. Osmundo de Guzman, Quezon police director, ang nasawi na Boyet San Buenaventura.
Isang police manhunt naman ang inilunsad laban sa suspek na si Jessie Mark Batugon, 19, sa Barangay Progreso.
Sa kuwento ng kamag-anak ng biktima na si Sheila Mateo, pumunta si Batugon sa tindahan upang bumili ng noodles. Ang nagbabantay sa tindahan ay ang misis ng nasawi na si Cristina.
Nakita umano ng suspek ang biktima na nagtungo sa likuran ng tindahan at doon ay umiihi; pinuntahan ito ng suspek at doon binaril ang biktima sa likod gamit ang .22 kalibreng baril.
Binawian ng buhay ang biktima habang dinadala sa San Diego Hospital.
Narekober ng mga pulis ang baril, bagamat nakatakas ang suspek.
Nanawagan ng hustisya ang mga kamag-anak ng biktima