Bata patay sa sunog sa QC

By Leifbilly Begas February 11,2019
share this

Bata patay sa sunog sa QC

By Leifbilly Begas February 11,2019
share this

ISANG apat na taong gulang na batang lalaki ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Quezon City kagabi.

r ang nasawi na si Alexir Jumalon, ng Phase 8, Brgy. North Fairview.

Naiwan umanong natutulog ang biktima sa kanilang bahay matapos na lumabas ang kapatid nito para bumili ng pagkain alas-9 ng gabi.

Ang ama ng biktima na si Almario ay nasa trabaho at ang kanyang ina ay mayroon namang pinuntahan sa Laguna.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog na pinaniniwalaang nagmula sa napabayaang kandila.

Wala umanong suplay ng kuryente sa bahay ng biktima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending