Liza Dino posibleng kambal ang maging anak kay Ice Seguerra

NAGPATAWAG si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson ng press conference para ibalita ang mga naka-line up nilang projects para sa 2019.

Una na ngang naganap kagabi ang 3rd FDCP Film Ambassador’s Night sa SM Aura Premier Samsung Hall, Taguig City kung saan pinarangalan ang mga natatanging personalidad sa larangan ng pelikula na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Dito rin iginawad ang Camera Obscura Artistic Excellence Award sa pangunguna ng pelikulang “The Hows Of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang highest grossing Pinoy film to date.

Pangalawa, inihayag ni Chair Liza ang pagbubukas ng Southern Voices Film Lab. Isa itong masusing pagsusuri ng script and development lab for Mindanao filmmakers.

Then, sa Disyembre naman magaganap ang Mindanao Film Festival na gagawin sa Davao City. Dito bibigyan ng award ang mga napiling scripts.

Last but not the least ay ang announcement ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa buwan ng Setyembre. This year, PPP ang magpapasinaya ng “Sandaan”, ang official celebration ng One Hundred Years of Philippine Cinema.

Bago magsimula ang presscon, sinalubong agad kami ng pagbati ni Chair Liza sabay biro na baka tungkol na naman sa “itlog” ng partner niyang si Ice Seguerra ang itanong namin sa kanya.

Naupo siya sa table namin kung saan nakaupo rin ang dean ng entertainment writers na si Manay Ethel Ramos, with Kuya Mario Bautista and Rhon Romulo. Tanong agad sa kanya ni Kuya Mario kung sa rami ng aktibidad ng FDCP this year, paano na kapag ipinagbuntis na niya ang anak nila ni Ice.

Sabi ni Liza naka-schedule ang pregnancy niya sa December. Okay naman daw ito kay Ice pero mas gusto ng anak niyang si Amara na mabuntis na siya bago matapos ang taon. Si Amara raw talaga ang super excited na magkaroon na ng kapatid.

Dahil sa December pa niya dadalhin sa kanyang sinapupunan ang baby ni Ice through in vitro fertilization, ipe-preserve lang daw muna ‘yung dalawang egg cell na nakuha kay Ice.

Ayon kay Liza, baka raw manibago siya kapag nagbuntis ulit. Edad 26 si Liza nu’ng ipagbuntis at ipanganak si Amara. And now, 37 na siya. Pero tingin naman niya, keri pa niyang manganak kahit normal delivery pa.

Pero kung 37 na siya ngayon, say namin sa kanya ‘wag na niyang i-delay pa ang pagbubuntis para sa dalawang itlog ni Ice. Kuwento pa niya sabay nang ilalagay ang dalawang set ng egg cell ng kanyang asawa sa kanyang sinapupunan and the sperm cell mula sa donor kaya malamang kambal daw ang kala-labasan nito.

Read more...