‘Napakaswerte ng magiging asawa ni Kris Bernal!’

KRIS BERNAL

HINDI nagpahuli ang Kapuso artist na si Kris Bernal sa pagpasok sa beauty business dahil ni-launch na rin recently ang kanyang lipstick line.

Dumayo pa siya sa Korea para i-develop ang kanyang SHE Cosmetics.
“I am very proud of SHE because I focused on pursuing the highest quality for liquid matte lipstick. Each tube of SHE lipstick has an all-natural formula.
“I hope to motivate women by sharing their stories of which every individual can learn and draw strength from to be confident in their own skin,” rason ni Kris sa bagong
venture.
Sa totoo lang, kainggit-inggit ang drive ni Kris sa negosyo dahil bukod sa lipstick, hands on din siya sa kanyang Korean resto kahit na nga ngaragan pa rin ang taping niya para sa Kapuso series na Asawa Ko, Karibal Ko with Rayver Cruz and Thea Tolentino.

Kaya nga ma-raming bu mibilib kay Kris dahil napagsa-sabay niya ang pagiging artista at negosyante.

Sabi nga namin maswerte ang mapapangasawa niya dahil financially stable na siya at siguradong malayo pa ang mararating niya sa larangan ng pagnenegosyo.

Read more...