HINDI na raw makatulog sa kaba at excitement ang Kapuso teen star na si Therese Malvar dahil sa nalalapit na pagsisimula ng Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.
Kaya naman todo-post na si Teri ng mga snippets ng kanilang programa sa kanyang social media account.
Isa nga sa mga agaw-pansin dito ay ang BTS (behind the scene) photo niya kasama ang Kapuso stars na sina Angelika dela Cruz at Patricia Tumulak na madalas niyang makakaeksena sa programa.
Halatang kumportable na sila sa isa’t isa lalo na sa mga poses na ginagawa nila. Pero kung sa social media ay angelic faces ang meron sila, paanong pagtataray kaya ang gagawin nila sa Inagaw Na Bituin? Ayon mismo kasu Therese, siguradong mabubwisit gabi-gabi ang mga viewers sa kanya.
Abangan ngayong Lunes ang pilot ng Inagaw Na Bituin na papalit sa Ika-5 Utos na nagtapos na nga last Friday.
Makakasama rin dito sina Kyline Alcantara, Sunshine Dizon, Angelu de Leon, Marvin Agustin, Gabby Eigenmann at marami pang iba.