Komedyanteng si Bentong pumanaw na sa edad na 55

Bentong


SUMAKABILANG-BUHAY na ang komedyanteng si Bentong kaninang madaling-araw. Siya ay 55 years old.

Ito ang kinumpirma ng isang Arvin Arniedes, ang nagpakilalang son-in-law ni Bentong o Domingo Vusotros Brotamante Jr. sa kanyang Facebook account.

Aniya, bandang 5 a.m. kanina binawian ng buhay si Bentong habang naka-confine sa Fairview General Hospital sa Quezon City.

Hindi naman nabanggit kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Narito ang kabuuan ng FB post ni Arvin:
“Rest in Peace Papa Bentong hindi ko akalain na heto na ang ating huling pagsasama naten alam ko kasama mo na ang Panginoon ngayon kaya panatag narin ang loob ko.

“Maraming maraming salamat Papa sa pag aaruga sa Pamilya naten. Maraming salamat din dahil napakarami mo napasayang tao. Mahal na mahal ka namin Pa.

“#Bentong was born on January 12, 1964 in Tabaco, Albay, Philippines as Domingo Vusotros Brotamante Jr.

“He passed away this morning February 09, 2019 Saturday at approximately 5am in Fairview General Hospital.”

Unang nakilala si Bentong sa ilang Kapamilya sitcom pero mas umingay ang kanyang pangalan nang makasama sa dating noontime show ng ABS-CBN na MTB hanggang sa maging co-host na ni Willie Revillame sa Wowowee.

Nang lumipat ang TV host-comedian sa GMA 7 ay kinuha uli siya ni Willie sa Wowowin noong April, 2016.
Samantala, narito naman ang official statement ng Star Magic, ang talent management ni Bentong.

“It is with great sadness that we confirm the passing of comedian Domingo Brotamante, also known as Bentong, this morning.

“We ask everyone to pray for the eternal repose of his soul and the comfort of the loved ones he left behind.”

Read more...