Andi hirap sa ika-2 pagbubuntis


NAHIHIRAPAN  si Andi Eigenmann sa ikalawa niyang pagbubuntis.

Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account kamakailan ng kanyang bikini photo kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump.

Dito nga niya naikuwento sa kanyang IG followers ang tungkol sa pinagdaraanan niyang challenge sa kanyang second baby.

“Have been experiencing every pitfall of pregnancy hormones especially because of the heat. But I will always be a girl of summer and what’s important is, there’s always a bright side to everything!” caption ni Andi sa kanyang litrato.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Andi ay anak niya kay Philmar Alipayo na isang surfing champion. Ang panganay niyang si Ellie ay anak naman niya kay Jake Ejercito.

Read more...