Tambalang Maine-Ruru kakaiba rin ang hatid na kilig

RURU MADRID AT MAINE MENDOZA

LUMARGA na si Maine Mendoza sa pagtatrabaho matapos maglamiyerda sa ilang tourist spots sa New York City.

Sa latest foto ni Meng sa Twitter at Instagram, ilang foreigners ang kaharap niya habang nakaupo sa tila director’s chair.

Caption ng Phenomenal Star sa kanyang mga litrato, “Something’s cooking! So happy and excited to be working with MAC again! @MACcomestics #MACmaker.”

Sa totoo lang, kahit nasa New York si Maine, masipag pa ring mag-tweet ang kanyang fans kaya naman agad nag-trending sa Twitter ang gamit nilang hashtag na #MACMaineXNewYork.

Samantala, bubulaga muli si Ruru Madrid sa episode tonight ng Daddy’s Gurl. Umapir na ang Kapsuo hottie sa mga nakaraang episode ng sitcom nina Maine at Bossing Vic Sotto kung saan game na game na nagpakita ng katawan ang aktor.

This time naman, may Valentine date sina Meng at Ruru as Stacy and Anton. Gaya ng nakaraang guesting niya sa sitcom, may pasilip muli ng kanyang pandesal ang young actor.

Sa totoo lang, pasado si Ruru bilang maging leading man ni Maine dahil iba rin ang kilig na hatid nila sa viewers, huh!

Read more...