22,000 trabaho alok sa Subic fair

MAHIGIT 22,000 trabaho ang iaalok sa mga aplikanteng manggagawa sa gaganaping jobs caravan sa Pebrero 9, Sabado sa SBMA gymnasium Subic.

Ang job fair ay bukas sa lahat ng naghahanap ng trabaho sa Central Luzon at kalapit-lugar na may kasanayan sa konstruksyon at kaha-lintulad na trabaho.

May 90 kompanya ang mag-aalok ng mahigit 22,000 posisyon.

Ang job fair ay bahagi ng Build Build Build infrastructure program ng pamahalaan.
Prayoridad sa nasabing fair ay ang mga manggagawa ng Korean shipbuilder Hanjin Heavy Industries na nawalan ng trabaho at iyong mawawalan pa lamang ng trabaho.

Kailangan sa nasabing job fair ay mga karpintero, pipe-fitter, steel men, welder, scaffolder, electrician, painter, mason at laborer. Kaya hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil sa mga trabahong iniaalok.

Maari pang madagdagan ang bilang ng kompanya, gayundin ang bakanteng trabaho na iaalok.

Sa ngayon, may 3,000 manggagawa sa Hanjin ang na-profile ng DOLE na maaaring kwalipikado para sa iba’t ibang iniaalok na trabaho.

Magsasagawa ng pre-registration ng lahat ng iba pang aplikante na gaganapin sa Pebrero 4, 6 at 7 sa SBMA Gym mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon. Makikita rin ang mga bakanteng trabaho sa build.gov.ph.

Ang job caravan ay isang pinagsamang gawain sa pangangasiwa ng DOLE at ng Subic Bay Metropolitan Authority, sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya sa ilalim ng Build Build Build – ang Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority at ang Bases Conversion Development Authority.
Kasama din sa proyektong ito ang Department of Trade and Industry at ang Clark Development Information and Publication Service.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...