Pati Goin’ Bulilit hindi pinatawad ng politiko; Vice naghugas-kamay

VICE GANDA

BIGLANG nag-shift gear (as in kumambyo) ang ABS-CBN ilang araw bago opisyal na magsimula ang campaign period para sa national level sa darating na Feb. 12, Martes.

Feb. 3, Linggo, nang matiyempuhan namin in passing ang Goin’ Bulilit with guest Francis Tolentino, na alam naman nating lahat ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng administration party.

Isang batang miyembro ng GB ang nag-interbyu kay Tolentino. In fairness, disimulado ang paraan ng pangangampanya ng naturang senatorial bet which is nowhere among the Top 12 in the latest survey.

Later that night, we sighted Bong Go na panauhin naman ni Vice Ganda sa GGV. Halos patapos na ang segment kung saan isinalang ang dating SAP who was made to do some hip hop moves.

Sorry, it was such a terrible sight na harinawang huwag maisipang gawin ni Go sa entablado during his campaign sorties.

Again, in fairness, Vice Ganda was quick to justify his guest’s presence, wala raw itong bahid pulitika. Kasiyahan lang or for kicks.

Of course, any viewer with a sane mind wouldn’t buy that disclaimer. Obyus naman na ang magkabukod na guesting nina Tolentino at Go was, from all angles, nothing but a campaign strategy kung saan ang paghuhukom naman ay sa mismong araw ng halalan.

As if Go’s guesting didn’t suffice, sinamantala na rin ni Vice Ganda—on Bong’s behalf—para i-promote ang pagsasaere mamayang gabi ng Maalaala Mo Kaya tampok ang kuwento ni Go.

Sa buong kasaysayan ng drama anthology na tinitimon ni Ms. Charo Santos, lagi na’y kaabang-abang ang closing credits o CBB nito. Ipina-flash kasi roon ang single-word title na may napakalaking kaugnayan sa kuwento.

We can only come up with a thousand and one guesses as to the episode’s most likely title. “Payong” kaya tulad ng mga ipinamudmod ni Go, hindi pa man opisyal na gumugulong ang campaign period?

So, meron bang ipinahihiwatig ang magkahiwalay na guesting na ‘yon ng naturingan pa manding mga kaalyado ng Pangulo?

May direktiba ba mula sa kaitaas-taasan sa pamunuan ng ABS-CBN cascaded to all program managers na i-accommodate ang sinumang kandidato ng administrasyon? If so, ito ba’y pambayad utang sa “atraso” ng network na pinagbantaang hindi ire-renew ang prangkisa due to the non-airing ng mga bayad na campaign ads ng Presidente noong 2016?

What’s wrong? Guesting lang naman ‘yon (although viewership could suffer dahil hindi naman lahat ng mga manonood ay interesadong makita ang mga kandidato sa alinmang partido).

After all, ang Judgment Day ay sa mismong araw ng botohan, Mayo a-trese. Ewan nga lang if either Tolentino or Go—or both—will EVER make it.

Read more...