Toledo mayor Osmena hindi nabasahan ng sakdal

IPINAGPALIBAN ng Sandiganbayan Third Division ang arraignment ni Toledo City Mayor John Henry Osmena kaugnay ng kinakaharap nitong graft kaugnay ng pagkabigo umano na ibigay ang kita ng barangay mula sa nakolektang real property tax.

Ayon kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang mayroon pang mga ‘pending incidents’ na kailangan munang resolbahin bago ituloy ang pagbasa ng sakdal.

Si Osmena ay nahaharap sa anim na kaso ng graft matapos hindi umano ibigay ng lokal na pamahalaan ang share ng Brgy. Daanlungsod sa koleksyon ng real property tax noong 2014 at 2015.

Ayon kay Osmena mayroong boundary dispute ang Brgy. Daanglungsod at Sangi at kailangan muna itong malinawan bago magpalabas ng pondo.

Pero ayon sa prosekusyon, noon pang 2011 naging penal ang desisyon ng Cebu Regional Trial Court sa boundary issue batay sa resolusyon na inaprubahan ng city council noong 2008.

Read more...