Babala: Balak itaas vehicle users tax

ISANG linggo na ang lumilipas nang isumite ng Department of Finance sa Senado ang panukala na itaas ang Motor Vehicle Users Charge o MVUC.

Sa panukalang ito, isasabay sa inflation rate ang halaga ng magiging pagtaas ng MVUC. Ayos sa Finance Department, dahil 2004 pa ang huling increase sa registration fees ng mga sasakyan, maaari na siguro itaas ito ng 5 percent ngayon.

Wala naman siguro problema ang mga ganitong pagdagdag ng buwis lalo na kung ang pera ay gagamitin sa pagaayos ng lansangan at trapiko.

Pero ang problema ay hindi rito napupunta ang salapi na nalilikom. Isang halimbawa ay ang Road Users Tax na kinokolekta ng Road Board.

Sa mahabang panahon ay tanging mga na-ngangasiwa ng Road Board ay mga barkada nila ang nakikinabang sa Road Users Tax. Ito ang dahilan kung bakit nabuwag ang Road Board.

Kung hindi tutukuyin ng Finance, ang Transportation Department ay tunay na dapat tunguhan ng dagdag na MVUC, huwag na muna ituloy ang dagdag na singil dahil wala namang kuwenta ito.

Tulsa ng TRAIN, dapat ay nakatukoy kung saan gagamitin ang dagdag na buwis at papaano nila ito balak gawin.

Dahil kung hindi, eh parang nagpayaman na naman tayong nagpayaman ng mga taong gobyerno.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.

Read more...