Malaking hamon para kay Nadine Lustre ang latest movie niyang “Ulan” dahil for the first time ay kumawala siya sa loveteam nila ng boyfriend niyang si James Reid.
Makakaromansa this time ni Nads si Carlo Aquino na mula nang mabigyan ng malaking break sa pelikulang “Meet Me at St. Gallen” ay naging mabenta na siya uli sa pagiging leading man.
Bilang pampalakas sa pelikula ni Nads, ang magaling na writer-director na si Irene Villamor ang nagdirek ng movie. Eh, may track record na si Villlamor sa box-office, di ba?
Siyempre maninibago ang fans nina James at Nadine sa paghihiwaly nila sa big screen pero kailangan din naman niyang mag-grow bilang lead actress kaya naman nagdesisyon ang Viva na ipareha siya sa ibang aktor.
Tutal naman, nakahanap na siya ng forever sa piling ni James Reid, huh!