GGV butata uli sa ‘TBATS’ nina Tekla at Boobay

BOOBAY AT SUPER TEKLA

Rumatsada sa ratings game ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) dahil sa nakaraang first two episodes ng programa ay tinalo agad nito katapat na show ni Vice Ganda, huh!

According to some viewers, nakakasawa na rin kasi ang talk show ni Vice na interview lang sa atista at sinamahan lang ng mga gimik.

Sabi pa ng iba, ‘yun at ‘yung din ang konsepto nito sa loob ng ilang taon sa ere.

Kaya nang makakita ng bagong tandem ang Kapuso Network para magkaroon ng alternative na pwedeng panoorin ng publiko tuwing Linggo nang gabi, kinagat agad ang mga pasabog ng TBATS nina Super Tekla at Boobay.

Binago kasi ng GMA comedy show ang landscape sa Sunday night programming dahil nga hinaluan ng bagong palabok ang show nina Boobay at Tekla na kinagat agad ng manonood.

Read more...