Subpoena vs Diokno inilabas na

INILABAS na ngayon araw ng Kamara de Representantes ang subpoena para piliting pumunta si Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagdinig na isinasagawa kaugnay ng paggastos ng budget ng gobyerno noong 2017 at 2018.

“You are hereby ordered to appear before the Committee on Appropriations in its scheduled committee hearing,” saad ng subpoena na pinirmahan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. “Failure to comply with this order is subject to penalty under the law.”

Itinakda ang pagdinig alas-10 ng umaga ngayong araw sa Speaker Nograles Hall sa South Wing Annex building.

Nagpalabas din ang Kamara ng Subpoena Duces Tecum at inutusan si Diokno na dalhin ang records ng savings at ginawang paggastos sa budget ng 2017 at 2018.

Limang beses na hindi sumipot si Diokno sa pagdinig ng House committee on appropriations na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Kinukuwestyon ni Andaya ang umano’y pagsisingit ng budget ni Diokno sa mga ahensya at ang mga proyekto ng gobyerno na napupunta construction company ng balae nito.

Read more...