Malakas na anti-drug law aaprubahan, pero wala ng parusang kamatayan

BUBURAHIN ng Kamara de Representantes ang death penalty provision sa panukala na magpapalakas sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ito ang sinabi ni House Majority Leader Fredenil Castro kahapon matapos na ibalik sa House committee on dangerous drugs ang House bill 8909 na magaamyenda sa Dangerous Drug Act of 2002.

Inaprubahan ng Kamara ang panukala sa ikalawang pagbasa. Tatangkain itong na ipasa ikatlong pagbasa bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso ngayong araw.

“We decided to reconsider final reading approval in order to clarify provisions of the bill that refer to the death penalty. This will prevent double or multiple interpretation of the death penalty provisions that might mislead Filipinos into believing that death sentence has been restored,” ani Castro.

Mayroong nakasingit sa probisyon ng HB 8909 na nagsasabi na kamatayan ang parusa sa mahuhulihan ng ipinagbabawal na gamot sa mga party at iba pang pagtitipon.

“In order to be clear, we are going to amend by substitution, erasing all provisions that refer to death penalty. We have to be categorical that the maximum penalty to be imposed is reclusion perpetua or life imprisonment,” ani Castro.

Noong 2017 ay inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukala na magbabalik sa death penalty. Hindi naman ito inaksyunan sa Senado.

Read more...