INATASAN ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na paigtingin ang kampanya para sa pagbabakuna sa buong bansa sa harap naman ng measles outbreak sa maraming lugar kung saan 55 na ang nasasawi dahil sa tigdas.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kabilang ang lumalaganap na problema sa measles outbreak sa mga tinalakay sa pulong ng Gabinete kahapon.
“The Department of Health’s immunization program was likewise tackled. The President ordered a vigorous campaign to promote the complete immunization for children,” sabi ni Panelo.
Ito’y matapos unang idineklara ang measles outbreak sa Metro Manila matapos namang tumaas ang mga kaso ng tigdas sa 550 porsiyento.
“I think one of the reasons why we have an outbreak of measles is because the lack of immunization on the part of children. I think that the Secretary was saying that the—some of our people are reluctant to undergo immunization by reason of the Dengvaxia scandal – natakot in other words kaya hirap daw sila ngayon,” dagdag ni Panelo.
Base sa datos ng Department of Health (DOH) tumaas sa 21,000 ang kaso ng tigdas noong 2018 kumpara sa 4,000 kaso lamang noong 2017.