HINDI feel ni KC Concepcion na magpabuntis sa kanyang French boyfriend nang hindi pa kasal.
Para sa TV host-actress mas preferred pa rin niya na maikasal muna sila ng filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart bago magkaroon ng baby.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si KC ng sweet photo nila ng boyfriend. Isa itong close-up shot na tila hinahalikan ni Pierre si KC.
Ang caption ng anak ni Megastar Sharon Cuneta sa picture, “It sure does feel like February… Happy Valentines month, beautiful people!”
Ayon sa isang netizen, sigurado siyang napakaganda ng magiging anak ng dalawa. May mga nagsabi rin na sana’y magpakasal na sila para makarami ng baby.
Sinagot naman siya ni KC ng, “In Jesus name…amen! Hahaha! Well wala pa naman. Kasal first before kids for me.”
Kung matatandaan, ibinandera ni KC ang pagbabalikan nila ni Pierre noong August, 2018.