Kate Valdez, Jo Berry maraming pinaiyak na viewers


Speaking of Onanay, maraming viewers ang naapektuhan at nag-iyakan sa madramang eksena nina Kate Valdez (Natalie) at Jo Berry (Onay) last Tuesday. Ito yung pagsasakripisyo ni Onay sa sarili niyang buhay para makaligtas sa mga kidnapper ang anak.

Ang galing-galing nila sa mga tagpong yun, talagang ramdam na ramdam ng viewers ang kanilang emosyon. Sa ilang araw ng pagkakabihag sa mag-ina, natanggap na ni Natalie si Onay bilang tunay niyang nanay.

Kaya patuloy na tutukan ang Onanay, alamin kung maililigtas nga ni Onay ang buhay ng anak. May happy ending pa kayang naghihintay sa kanyang pamilya?

O, hanggang sa huli’y pahihirapan pa rin sila ni Helena (Cherie Gil)? Napapanood pa rin ang Onanay sa GMA Telebabad after Cain At Abel.

Read more...