BUMIYAHE papuntang New York si Maine Mendoza.
Wala pang direktang kumpirmasyon si Meng o ang talent management na humahawak sa kanyang career tungkol dito pero nakuhan ng ilan niyang fans ang pagdating at pag-alis niya sa airport.
Pero kung hindi kami nagkakamali, mukhang ang rason ng pagbiyahe sa New York ng Phenomenal Star ay para sa global brand cosmetics na MAC. Gaya nang nasulat namin dito as BANDERA, may mga bonggang sorpresang hatid si Meng para sa cosmetics brand.
Super-contented kasi ang kumpanya sa resulta ng collaboration nila with Maine para sa sarili niyang lipstick shade.
So sa mensaheng ipinahatid ng representative ng brand sa manager niyang si Rams David, hindi nagtatapos sa lipstick ang kanilang project together.
Sa pag-alis ni Meng, pass muna siya sa Eat Bulaga pero for sure, may advance tapings na siya for Kapuso sitcom Daddy’s Gurl with Bossing Vic Sotto.
Abangers na tuloy ang fans niya sa unang pasabog ng idolo nila ngayong Year of the Pig, huh! At siyempre, asa pa rin ang AlDub Nation sa muling pagtatambal nila ni Alden Richards this year, huh!