Kilalang young actress na kinakawawa sa teleserye buking na, lesbiyana pala


MALAPIT nang mahulog sa silya ang aming source nang makarating sa kanya ang impormasyon na may kakaiba palang panlasa sa pakikipagrelasyon ang isang young actress na bumibida sa isang teleserye.

Wala sa kanyang itsura na kabaro rin pala ang gusto niya, may mga pitik na parang kilos-lalaki siya, pero hindi inaasahan ng aming impormante na isa na pala siyang berdaderong tivoli.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka na talaga ang panahon ngayon! Girl na girl ang tingin ng marami sa young actress na ‘yun, pero tunggril pala siya!

“True, isa pala siyang tivoli na ang kaligayahan, e, natatagpuan sa kabaro rin niya, girl nga ang type niya, hindi boys! Magaling siyang magdala, ha?” unang chika ng aming impormante.

May mga nakakapansin na sa set ng kanilang serye na maraming kaibigang girls ang young actress.

Nagpupuntahan ang mga ito habang nagtatrabaho siya. Kapag break time na ay inaasikaso ng young actress ang kanyang mga kaibigan.

“E, siyempre, ang akala naman ng mga kasamahan niyang artista at ng production staff, e, mga friends lang niya ang mga babaitang ‘yun! Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isa palang bagets na tisay na dumadalaw sa kanya, e, ‘yun na!

“‘Yun pala mismo ang girlfriend ng young actress, ‘yun pala ang palagi niyang kausap sa phone, ‘yun pala ang source of happiness niya kapag nagtatrabaho siya!

“May kilos ang young actress na medyo parang brusko siya, pero girl na girl pa rin siya, may ipinapareha pa ngang young actor sa kanya, di ba?

“Pero sorry na lang, hindi naman pala boys ang hanap niya, kundi girl din, ‘yun ang pinagkakaabalahan niya. Akalain mo ‘yun?

“Nakakaawa pa naman siya sa serye, palagi na lang siyang nasasaktan, pero sa kuwento lang ‘yun, dahil sa totoong buhay, e, very happy ang young actress na ito!

“Isa lang ang puwede nating sabihin, alam ba ‘yun ng nanay niya? Oh, nanay ko naman! Girl din pala ang type ng young actress na itey!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sisigaw na rin ba kayo ng oh, nanay ko?

Read more...