Korina Sanchez nagmukhang gay impersonator sa bagong itsura

MALA-SURVEY ang ginawa ni Korina Sanchez sa paghingi ng reaksiyon mula sa kanyang social media followers kung alin sa apat na litrato ang pinakagusto ng mga ito.

May collage kasi ng mga photos ng batikang broadcast journalist taken from different angles after undergoing the so-called Thermage, isang procedure done by Belo’s clinic.

Clicking and scrolling it down is a separate item tungkol sa kanila ni dating senator at DILG Secretary and husband Mar Roxas with accompanying photos na hindi naman kalumaan.

Makikita ang glaring difference between Korina’s pictures before and after the said procedure. While she looks rejuvenated (bumata) sa ngayon, mukhang mas vibrant si Korina bago sumailalim sa nasabing proseso.

Of the four post-Thermage photos ay gusto namin ang ikatlo. Sorry, but the three others make Korina look like she’s getting ready for her impersonation number na magandang panoorin in between speeches during her husband Mar’s campaign sorties starting Feb. 12.

q q q

“SI PHILLIP Salvador, si Phillip Salvador!” halos mapatiran na ng litid sa leeg ang isa naming humahangos na kapitbahay pauwi, may bitbit na tatlong kilong bigas mula sa pinanggalingan.

Isa lang siya sa mga laksa-laksang residente sa aming lugar sa Pasay City na matiyagang pumila, naghintay at nakinig ng talumpati ng mga kung sinu-sinong kandidato sa darating na May elections, sa Cuneta Astrodome nitong Jan. 31.

Merong pumila as early as 9 a.m., inabot na nang siyam-siyam para makakuha ng libreng bigas. Dahil karamiha’y starstruck, kinilig naman sila nang makita raw si Kuya Ipe.

Kung naroon ang action star, could former SAP Bong Go be far behind? Tiyak naman kasi na kung nasaan si Go ay nakabuntot si Kuya Ipe, except for a few obvious instances where the latter’s presence is not needed at all.

Kung ang mga saku-sakong bigas na ‘yon ay mula kay Go, mas maa-appreciate ito ng taumbayan. Kung tatlong kilo rin ‘yon, mahigit P150 din ‘yon. Hindi na malalagasan ng arawang budget ang nabahaginan nu’n.

Signs of the times. Ramdam nating mga Pinoy (‘yung mga salat lang sa buhay, hindi ang maraming ganid na pulitiko na hindi kuntento sa kabang-bigas kundi sa kabang-yaman mula sap era ng taumbayan) ang hirap ng buhay.

Mas okey na ‘yung “Bigas Go” kesa naman sa mga larawang nagkalat sa Facebook, kung saan ibinasura lang ng mga tao ang ibinigay nitong payong na nagkalasug-lasog ang tadyang. May “Vote For Senator” pa kasing nakasulat sa payong, buti sana kung uulan ng alkitran para matakpan ang pangalang Bong Go.

Kesa rin du’n sa nakarolyong campaign t-shirts na ipinamudmod ni Bong Go, sakay ng kanyang kotse, sa bawat madaanan sa lansangan. Hayun, dahil binansagan siyang trapo (traditional politician) ay literal na ginawang trapo ang t-shirt na ‘yon na inilatag pa sa lupa.

Between Bong and Kuya Ipe, mas kailangan ng una ang huli. “Gagamit” din lang ng tao si Go, eh, ‘di ‘yun nang sikat na artista!

‘Yun nga lang, Kuya Ipe’s affiliation with Go may be reflective sa kung ano ang kanyang prinsipyo’t ipinaglalaban sa buhay.

Harinawang ang saku-sakong bigas na ipinamudmod ni Bong Go’y masarap kainin kapag isinaing not in its literal sense. Baka it “sacks.”

q q q

Personal: Maligayang bati sa aming ina, si Mommy Shirley on her 74th birthday bukas (Feb. 8).

Read more...