NO one will ever question Kris Aquino as a good mother – tama! Walang maglalakas-loob na magsasabing pabaya siyang ina, in fact, she is a hands-on mom for some reasons – she can afford to be. Shower her two kids – Josh and Bimby with everything that they want and need.
Put them to the best schools – very expensive ones dahil afford niya. Maybe because she is very blessed dahil she’s born to be blessed. With a very popular parents – the late Sen. Benigno Aquino na sabi nila fought for this country and the late president, Tita Cory Aquino, how can she go wrong.
Ipinanganak with a diamond spoon (hindi silver or golden, ha!), natural na talagang masasabi nating super blessed siya. She gets what she wants in the first place. Who will argue with that. Plus the fact that her brother Noynoy is our present president, my gosh! Ano pa ang kulang sa buhay niya, aber?
But for us, mothering is not all about feeding the best steaks to your children – it’s not all about shopping the most expensive clothes in the world for them, it’s not all about those splendid travels left and right – it still boils down to normal parenting.
Kahit sabihin pa nating hiwalay siya sa parehong ama ng mga anak niya, dapat ay bukas ang tahanan ng mga bata sa pagdalaw ng mga ama nito para lumaki ang mga anak niya normally with both mom and dad, di ba?
Iba kasi pag nagba-bond pa rin ang mga bata with their respective fathers – lumalaki ang bata ng normal and happier. Pero sa sitwasyon ni Kris, how much chance do Josh and Bimby get to be with their dads?
Ano naman ang kasalanan ng mga bata kung hindi nagkakasundo ang kanilang mga magulang, aber? Labas sila sa problema ni Kris with Phillip Salvador and James Yap. Children will always be children of their parents kaya hindi sila dapat nadi-deprive sa karapatan nilang makasama ang kanilang mga magulang.
Dapat nga ay hindi muna pinapaalam sa mga bata (sa mga murang edad nila) na mayroong problema between their parents para ma-enjoy nila ang kanilang buhay-kabataan.
Pero ang nangyayari kay Kris (na palaging napa-publicize ang bawat galaw), malaki ang effect nila sa mga bata sa kanilang paglaki.
At ang malungkot pa nito, naku-compare na ngayon sina Phillip at James, sinasabi ni Kris ngayon na mas okay pa si kuya Ipe dahil hindi siya nagkaproblema mula nang mahiwalay ito sa kaniyang anak. Ows? Hindi naman totoo ang sinasabi mong iyan, Kris. You also had your bad times with Phillip.
Hindi pa kami ganoon katanda para malimutan ang mga times na pinagkait mo rin si Josh sa kaniyang ama. Nagkataon lang that Kuya Ipe didn’t fight anymore his rights para kay Josh dahil wala naman siyang kalaban-laban sa iyo, di ba? He is not equipped financially and ayaw mo namang magkasama pa sila, di ba?
You want to own up the kids alone. Kasi nga, wala na kayong relasyon ng mga ama nila. Puro bad fight ang napagdaanan mo with them. How can they fight you, aber?
You are a former presidential daughter (when you were still with Phillip) and now a presidential sister (panahon naman ni James), paano ka nila kakalabanin, aber? Simple lang iyan – in this country where power is more important than God! Hay naku!
Naloka naman ako sa statement ni Kuya Ipe of Kris as a mom to her children, that she is a good mom daw. Yes, to a certain extent, tama siya pero kung ganoon lang kababaw ang pagbabesehan ng pagiging good mom ng isang ina sa mga anak niya. Alam din naman natin ang pinagdaanan ni Phillip Salvador with Kris.
Ang masasabi lang namin, mas magiging better mom siguro si Kris kung mapalaki niya ang mga bata na naturally happy with connect with their dads since buhay naman pareho ang mga ama nila.
Huwag sanang nararanasan ng mga bata ang grueling sights ng mga warring parents nila in court – custody, visitation, money and what nots.